CONVERGE | Sobrang Bilis?

Converge Modem

October 21, 2019 nung makabitan kami ng converge dito sa taytay rizal ang plan namin ay yung 25mbps 1500 pesos monthly at ang matindi dito Unlimited Data or No Data Cap, pwede kang magdownload ng magdownload wala kang po-problemahin na mauubos na ang data mo. Umabot ng halos 1 week bago kami nakabitan after magapply. Saglit lng ang installation wala pang 30mins nainstall na ang modem pero di pa namin nagamit agad dahil kailangan pang iactivate, after 10 mins activated na.


Speedtest

Lumipas ang mga araw at talaga namang na amaze ako sa bagong ISP namin na ito. Download at upload speed namin ay nag-aaverage ng 23mbps which is pasok pa rin naman sa plan namin na 25mbps at ang ping namin ay naglalaro sa 1ms - 4ms lang. Heavy user kami sa bahay 4 ang CP nakaconnect 2 computer at 2 laptop. Pero di mo makikitaan ng buffering sa youtube pag nanood ka, HD pa ang quality. 


Mobile Legends Ping 5ms

At para sa mga mahilig maglaro dyan ng online games hindi ka ipapahiya ni converge dahil sobrang swabe ng laro mo at ang ping ay napakababa. Naglaro din ako sa PC ng PUBG same result smooth and walang lag.

Dahil satisfied ako sa bago kong ISP at medyo nakukulangan nako sa 25mbps, pinaupgrade ko na sa 35mbps magaadd lang ng 99 pesos sa montly bill namin. After 5 months na pag gamit sa ISP namin na ito, masasabi kong may katapat na ang PLDT at Globe.



Comments